-- Advertisements --
Tinatalakay na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang posibilidad ng pagbibigay ng accreditation sa mga online pharmacies.
Ayon kay FDA Officer-in-Charge Director Oscar Gutierrez na habang hindi pa pinapayagan ang e-pharmacy ay kanila munang pinapayagan ang online ordering basta ito ay mula sa botika na may lisensya mula sa FDA.
May mga guidelines din aniya silang ilalabas ganun din ang maaaring itawag sa mga ito at kung maaari aniya ay pawang mga non-prescription drugs muna.
Patuloy din pagpapaalala nila na huwag basta bumili ng mga gamot sa online stores dahil sa walang katiyakan ang mga ito kung tunay ba o peke.