-- Advertisements --

Tiniyak ng Food and Drugs Administration (FDA) na babantayan nila ang mga update sa mga gamot na mayroon nang VAT exempted.

Ito’y matapos ang kalituhan sa publiko at iba pang mga manufacturer ng gamot na aniya hindi purkit VAT exempted ang isang gamot ay VAT exempted parin ito sa susunod na araw.

Nilinaw ni Atty. Pamela Sevilla, spokesperson ng FDA na patuloy nilang inaa-update o regular na chine-check ang mga listahan ng gamot na VAT exempted.

Layunin aniya ng joint administrative order na pinirmahan ng iba’t-ibang ahensya kasama ang Department of Health (DOH), Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na paingatan ang mga nanamantala dito kung kaya’t mayroon aniya silang delisting na ginagawa kung saan kapag hindi raw nakapag comply ang mga manufacturer ay tatangalin nila ang VAT exemption sa mga gamot na isinama nila sa CREATE MORE Act.

Sa listahan na binaba ng FDA aabot sa 100 na gamot ang VAT exempted. Ipinaliwag pa nito kung paano ang napiling mga gamot ay VAT exempted ay dahil masusi umano nila itong sinusuri.

Maaalalang ang naturang VAT exemption ng mga gamot ay naging epektibo agad pagka-isyu ng FDA advisory noong Nobyembre 22 at isinapubliko noong Martes, Nobyembre 26.

Nagpaalala naman si Sevilla sa publiko na kung may mga agam-agam sa pagbili ng gamot o hindi katiyakan sa mga presyo nito ay maari lamang na bumusita sa kanilang social media website.