-- Advertisements --

Iginiit ng Food and Drug Administration (FDA) na lahat ng mga bakuna ay nagbibigay ng proteksyon laban sa nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Paliwanag pa ng FDA, kahit na mababa ang efficacy levels ng ibang vaccine brands basta ang mahalaga aniya ay nagbibigay ito ng proteksyon laban sa Delta variant.

Inihalimbawa nito ang Pfizer brand na bakuna na mayroong 93 percent na efficacy rate laban sa Alpha variant na unang nadiskubre sa UK kung saan mayroon naman 88 percent na efficacy rate ito laban sa Delta variant.

Habang ang AstraZeneca ay mayroong 66 percent efficacy rate laban sa Alpha variant at 60 percent naman sa Delta mutation.

Iginiit nito na nararapat na magpabakuna na ang mga tao dahil habang nakakakuha ng mutation ang mga tao ay hindi nawawala ang bisa nito.