-- Advertisements --

ILOILO CITY -Tiwala ang defense lawyer ng Food and Drugs Administration (FDA) na mababasura ng korte ang ibang mga kaso na isinampa sa kanila ng Public Attorney’s Office (PAO) kaugnay sa Dengvaxia controversy.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Emmanuel Brutarlo, legal counsel ng Center for Drug Regulation and Research ng FDA, sinabi nito na dalawa sa walong kaso na isinampa ng PAO ang binasura dahil sa “lack of jurisdiction.”

Ayon kay Atty. Brutarlo, ito raw ay dahil sa Metropolitan Trial Court isinampa ng PAO ang kaso sa halip na ismpa sa Sandiganbayan.

Maliban dito, ang mga akusado ayon kay Atty. Brutarlo ay may mataas na posisyon sa gobyerno o may sahod na hindi bababa sa salary grade 31 at ang mga kaso na isinampa ay masasabing “office related cases.”

Malinaw ayon sa abogado na ang mga kaso ay minadali lang umano ng PAO.