-- Advertisements --

Hinimok ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang publiko na suportahan uli ang ika-100 taon ng pelikulang Pilipino.

Pahayag ito ni FDCP Chair Liza Diño kasabay ng pagsapubliko sa 10 pelikulang naglaban-laban upang mapabilang sa Pista ng Pelikulang Pilipino festival ngayong taon na mapapanood sa mga sinehan nationwide sa loob ng isang linggo simula bukas, September 13.

Nabatid na ngayong araw din ipinagdiriwang ng Philippine cinema ang kanilang 100th birthday, na may temang “Pamilya, Pagkakaibigan, Pag-ibig.”

Sa event mamayang gabi, paparangalan din ang aniya ang lahat ng mga taong nasa likod ng camera, gayundin ang mga icons, at nasa iba’t-ibang genre ng paggawa ng pelikula.

“We can’t wait for all of you to see different quality Filipino films that reflect the best that Philippine cinema offers,” ani Diño.