-- Advertisements --

Nagsalita na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño ang ilang isyu na kaniyang kinasasangkutan.

Sinabi nito na nirerespeto niya ang naging pasya ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim ang naging desisyon nito na siya ay tanggalin bilang miyembro ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sinabi nito na mayroon na silang naging pagpupulong noong 2017 at dumman ito sa proseso kung saan hindi sinang-ayunan ito ng committee.

Nagkaroon lamang din ng hindi pagkakaintindihan sila ng direktor na si Eric Matti sa naging pahayag nitong pag-angkin na ng Netflix ng ilang mga pelikulang Pilipino.

Hindi rin aniya masisisi ang mga film producers na maglabas ng sama ng loob kay Senate President Tito Sotto laban sa administrative order ng FDCP, DOLE at DOH na dapat ay magsumite sila ng detalyadong mga dokumento sa shooting, audio-visual recording at live event.