-- Advertisements --

Tinanggal bilang executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) si Liza Diño, ang namumuno ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Kasunod ito ng akusasyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Danilo Lim na balak ni Diño na pamunuan ang MMFF.

Ayon kay Lim napilitan na lamang sila na gawin ang hakbang matapos na inaasahang magbitiw na si Diño bilang pagkakaroon ng delikadeza.

Dagdag pa nito na mula pa noong 2016 ay sinusubukan talaga ni Diño na ilipat na lamang sa kaniyang adminstrasyon ang MMFF.

Naglabas din umano ng balita si Diño na nagkakaroon ng kontrobersiya sa MMFF na ayon kay Lim ay dapat ipagtanggol niya umano ang asosasyon dahil isa siya sa miyembro ng executive committee.

Sa panig naman ng FDCP, na walang naganap na pagdinig sa nasabing insidente at sila ay nalito matapos ang paglabas ng isyu.

Hiniling nila kay Lim na magkaroon ng pag-uusap para malinawan ang nasabing alegasyon.

Mula pa kasi noong 1994 ay inoorganisa na ng MMDA ang MMFF.