-- Advertisements --
Walang plano si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman Liza Diño na tumakbo sa anumang posisyon sa 2022 elections.
Sinabi nito na nagtataka siya kung saan nanggaling ang nasabing usapin.
Naging kuntento na umano ito sa limang taon niyang paninilbihan sa nasabing opisina at hangad niya na ipagpatuloy ng mga susunod na mamamahala ang mga nasimulan niyang programa.
Isa kasi si Diño sa nakikitang tatakbo na maging representatvie ng partylist ng mga LGBTQ community.