-- Advertisements --
Umaapela ng tulong sa gobyerno ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa mga naapektuhang freelancers at workers ng entertainment industry.
Sinabi ni FDCP chairperson Liza Diño, mayroong 350,000 na mga manggaggawa mula sa film at live production industry ang nawalan ng kita mula nang ipinatupad ang lockdown bunsod ng coronavirus pandemic.
Karamihan aniya sa kanila ay nasa freelance sector at hindi sakop sa government-instituted benefits.
Bagamat pinayagan ng bumalik ang film, music at TV production ay hindi pa rin nabubuksan at naibabalik ang operasyon ng mga sinehan.