Ikinatuwa ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson at CEO Liza Diño ang pagbubukas muli ng mga sinehan sa bansa.
Kasunod ito sa paglalagay sa Metro Manila sa Alert LeveL simula OKtubre 16 hanggang 31.
Kabilang kasi sa sinehan na binuksan ng gobyerno base na rin sa nakasaad sa panuntunan ng Alert Level 3.
Sinabi ng FDCP chair na mula pa noong Agosto ay nakipag-usap na ang mga may-ari ng sinehan sa Inter-Agency Task Force (IATF) na kung maari ay ibalik na ang operasyon ng mga sinehan.
Nakasaad sa panuntunan ng IATF na mayroong hanggang 30% indoor capacity ang mga sinehan para sa mga fully vaccinated na individuals at 50% ang outdoor venue capacity.
Lahat din aniya ng mga empleyado ng sinihan ay fully vaccinated at dapat sundin ang COVID-19 minimum public health protocols.