-- Advertisements --
Mayroong inilaan na P20 million na pantawid-buhay ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ilang mga manggagawa sa showbiz industry na naapektuhan ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Nagsimula na ang FDCP ng pagproseso sa mga aplikasyon ng kanilang Disaster Emergency Assistance and Relief o DEAR.
Aabot kasi sa 2,500 na mge manggagawa sa local showbiz industries ang inaasahang mabebenepisyuhan ng nasabing programa.
Sinabi ni FDCP chair Liza Diño na mayroon na silang naunang naipahagi na P8,000 sa mga manggagawa.
Nasa 70% na mga manggagawa kasi ay mga tinatawag na ‘freelancer’ na nasa kategorya ng ‘no-work no pay’.