Umaani ng sari-saring reaksyon ang pranked photo ng actor/TV host na si Mikael Daez sa kaniyang girlfriend na si dating Miss World 2013 Megan Young.
Sa isang story post kasi ng actor, makikitang nawalan na ng balanse si Megan dahil sa fear of heights, nang makita nito ang ibabang bahagi ng Umeda Sky Building sa Japan.
Nabatid na may “acrophobia” ang beauty queen, pero dahil nag-i-enjoy ito sa kanilang Osaka trip, hindi na niya namalayan ang pag-akyat sa mataas na bahagi ng gusali.
Kaya naman, nang banggitin umano ni Mikael na tingnan ni Megan ang tanawin sa ibaba, doon na ito nakadama ng takot.
Ilang kaibigan ng dalawa, kabilang na sina Ryan Agoncillo, Mary Jane Lastimosa at Kylie Verzosa ang natawa sa hitsura ng actress, habang may iba namang hindi nasiyahan sa nasabing prank.
Sa huli, nag-sorry naman si Mikael at binilhan ng souvenir ang beauty queen bilang peace offering.