ILOILO CITY – Nirerepaso na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang feasibility study sa pinakamalaking proyekto ng ahensya na Panay-Guimaras-Negros mega bridge project.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay DPWH Sec. Mark Villar, sinabi nito na ang nasabing proyekto ay core project ng Duterte Administration sa ilalim ng “Build, Build, Build” Program kung saan layunin nito na mapataas ang inter-connectivity ng Western at Central Visayas.
Ayon kay Villar, ang feasibility study ng 32 kilometrong tulay ay pinangunahan ng Export-Import Bank of Korea.
Ito ay binubuo ng dalawang yugto kung saan ang Panay-Guimaras bridge ay may habang 13 kilometers at 19.37-kilometrs naman ang Guimaras-Negros bridge.
Tinayang nagkakahalaga ng P180 billion ang nasabing proyekto.