-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Maghahain si Cagayan de Oro 2nd District Rep. elect Atty. Rufus Rodriguez ng isang panukalang batas upang isusulong ang proposed federal government draft sa unang araw nitong pagbabalik-trabaho sa Kamara de Representantes.

Ito ay kahit hindi mismo iniindorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Rodriguez ang kanyang kandidatura sa nagdaan na 2019 midterm elections sa Cagayan de Oro City.

Ginawa ni Rodriguez ang katiyakan matapos pormal na naiproklama bilang bagong halal na kongresista sa pangalawang distrito ng lungsod.

Inihayag ng abogado na personal din nitong kakausapin si Duterte upang makuha ang suporta para sa gagawin na hakbang para sa usaping pederalismo na kabilang sa prayoridad ng kanyang pamumuno sa bansa.

Partikular na isusulong ni Rodriguez ang panukala o draft nina retired Supreme Court Chief Justice Reynato Puno at PDP-Laban party founder Aquilino “Nene” Pimentel Jr na nagustuhan din ni Duterte.