KALIBO, Aklan—Dismayado ang Federation of Livestock, Hogs and Poultry Raisers sa provincial government sa pagpangasiwa sa epekto ng African Swine Fever (ASF) virus sa buong lalawigan ng Aklan.
Ayon sa kanilang presidente na si Engr. Jun Agravante, ang babayaran lamang ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) ay ang mga apektadong hog raiser na ang kanilang baboy ay isinailalim sa culling ng provincial government.
Sa kasalukuyang datos ay nasa 1,227 pa lamang ang naitalang nilibing ng OPVET at ang payment scheme for culled pigs ay P1,000 pesos bawa ulo.
Ang namatay na mismong ang hog raiser ang naglibing ay last priority na lamang at walang katiyakan kung mababayaran pa sila ng gobyerno probinsyal
Umaapela sila ngayon sa mga affected LGU’s na bayaran ang mga may ipinapakitang dokumento na nagpapatunay na namatayan sila ng baboy dahil sa virus.
Isiniwalat din ni Agravante na P25 milyon ang quick response fund kasunod sa pagsailalim sa lalawigan sa state of calamity kung saan, P10 milyon ang mapupunta sa ASF.
Sa nasabing halaga, P7 milyon ang mapupunta sa mga hog raisers at ang P3 milyon ay sa OPVET para sa kanilang iba pang kinahang-eanon