-- Advertisements --
Novak Djokovic 1
Novak Djokovic/ IG post

Hindi naitago ni Roger Federer ang pagkadismaya at mawala sa kanyang kamay ang ambisyong makuha sana ang ika-siyam na Wimbledon title sa London.

Una na siyang binigo ni Novak Djokovic sa tinaguriang “longest ever men’s final” sa score na 7-6 (7/5), 1-6, 7-6 (7/4), 4-6, 13-12 (7/3).

Nagbalik tanaw ang 37-anyos na Swiss legend sa umanoy “missed opportunity” sa kanilang laro.

Kabilang na rito ang hawak pa sana niyang match points sa kanyang serve sa 16th deciding game pero sa huli siya pa rin ang nasilat.

Sinasabing ito na ang ikalawang pagkakataon na naging bahagi si Federer sa pinakamatagal na laro sa Wimbledon na noong una ay talo rin siya sa kamay naman ni Rafael Nadal noong taong 2008.

“You might feel more disappointed, sad, over-angry. I don’t know what I feel right now,” ani Federer sa kanyang pagbabalik tanaw. “I just feel like it’s such an incredible opportunity missed, I can’t believe it. It is what it is, you know.”

federer
Tennis great Roger Federer

Sa ngayon ang beteranong si Federer ang may hawak pa rin sa all-time Grand Slam record na umaabot sa 20.