Hinirang ng Forbes Magazine si Swiss tennis star Roger Federer bilang highest paid athletes sa buong mundo.
Umabot kasi sa kabuuang $106.3 million ang kinita nito sa loob ng isang taon.
Dahil dito ay siya rin ang unang tennis player na manguna sa Forbes’ world’s 100 highest-paid athletes list.
Galing ang yaman ng 38-anyos na tennis star sa mga endorsment niya.
Nahigitan niya sa listahan sina football star Cristiano Ronaldo at Lionel Messi sa nasabing listahan.
Sinabi ni Forbe’s Senior Editor Kurt Badenhausen na dahil sa coronavirus pandemic ay nabawasan ang kita ng nabanggit na mga football star.
Pumangalawa si Ronaldo na mayroong $105 million na yaman habang si Messi ay mayroong $104 million at nasa pang-apat na puwesto si Neymar na maryoong $95.5 million na kita habang nasa pang-limang puwesto si NBA star LeBron James na mayroong $88.2 million na kita.
Magugunitang nanguna naman si Japanese tennis star Naomi Osaka sa highest paid female athletes.