-- Advertisements --
Posibleng matagalan pa ang pagbabalik sa paglalaro ni Swiss tennis star Roger Federer.
Ito ay dahil sa patuloy ang kaniyang paggaling mula ng operahan ang kaniyang tuhod.
Sinabi ng 40-anyos na tennis star na umaasa na ito ng makasali sa Australian Open sa Enero subalit pinayuhan siya ng kaniyang doctor na magpagaling muna.
Umaasa ito na matutuloy na ang kaniyang pag-ensayo sa buwan ng Marso o sa Abril.
Dagdag pa nito na kailangan niyang maging matiyaga at bigyang ng panahon ang sarili para ito ay tuluyang gumaling na.