-- Advertisements --
Huber Hurkacz
Huber Hurkacz/ IG post

Natapos na ang kampanya sa Wimbledon ni Swiss tennis star Roger Federer.

Ito ay matapos na talunin siya ni world number 18 Huber Hurkacz sa quarterfinal ng nasabing torneo.

Hurkacz Federer
Federer and Hurkacz/ IG post

Nakuha ng 24-anyos na Polish tennis star ang score na 6-3, 7-6(7-4) at 6-0.

Ito rin ang unang pagkakataon ni Hurkacz na makapaglaro sa quarterfinals ng Wimbledon.

Target kasi ng 39-anyos na si Federer na maging pinakamatandang manlalaro na makaabot ng semifinals ng Wimbledon.

Dahil dito ay naglaho na ang pangarap na siyam na Wimbledon title ni Federer matapos ang operasyon sa tuhod nito noong 2020.