-- Advertisements --

Iminungkahi ni tennis star Roger Federer na pag-isahin na lamang ang men’s ATP at women’s WTA.

Sa kaniyang Twitter account sinabi nito na napapanahon na para magkaisa sa iisang tennis ruling body ang dalawang professional tennis tours.

Paglilinaw nito na hindi niya nais na pag-isahin na lamang ang kumpetisyon at sa halip ay dapat iisa na lamang ang mamumuno sa dalawa.

Sinag-ayunan naman nina Australian star Nick Kyrgios at two-time women’s Grand Slam champion Simona Halep ang mungkahi ng 38-anyos na si Federer.