“Dream come true” umano para kay Roger Federer ang pagkakasungkit nito ng kanyang 100th ATP title sa kanyang karera sa tennis.
Bago ito, dinomina ng 37-year-old Swiss ang banggaan nila ng 20-year-old na si Stefanos Tsitsipas ng Greece, 6-4, 6-4, sa final ng Dubai Tennis Championships.
Dahil dito, itinanghal ang 20-times Grand Slam champion bilang ikalawang player sa Open Era na nagbulsa ng 100 titulo, sunod kay Jimmy Connors ng US na nag-uwi ng 109.
Tila nakaganti na rin si Federer sa natanggap nitong masaklap na pagkatalo mula kay Tsitsipas noong Australian Open fourth round noong Enero.
“I’m delighted. It’s great to win my eighth here in Dubai and in combination with my 100th singles title,†wika ni Federer.
Sa Lunes ay nakatakdang umakyat sa No. 4 sa rankings si Federer. (Reuters)