-- Advertisements --
Roger Federer
Roger Federer/ IG post

Pasok na sa second round ng Wimbledon si eight-time champion Roger Federer matapos talunin si Lloyd Harris ng South Africa.

Nakuha ng 37-anyos Swiss player ang score na 3-6, 6-1, 6-2, 6-2 para tuluyang ilampaso ang ranked 86th na si Harris.

Nagkaroon pa ng isang hamon para kay Harris ang laro matapos na ito ay nagtamo ng left calf strain.

Susunod na makakaharap ni Federer ang sinumang manalo sa pagitan nina Jay Clarke at Noah Rubin ng US.