-- Advertisements --
Abanse na sa ikatlong round ng French Open ang veteran tennis player na si Roger Federer.
Ito ay matapos talunin niya si Oscar Otte ng Germany sa score na 6-4, 6-3, 6-4.
Tinapos lamang ng Swiss tennis ang laro nilang dalawa sa loob ng 95 minuto.
Susunod na makakaharap ng 37-anyos na si Federer si Casper Ruud ng Norway.
Labis ang pasasalamat ni Federer sa kaniyang mga fans dahil hindi pa rin sila nagsasawa na siya ay suportahan sa kaniyang mga torneyo.