Nagdesisyon si tennis star Roger Federer na hindi muna maglaro ngayong taon matapos na ito ay sumailalim sa operasyon sa kaniyang kanang tuhod.
Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 20-time grand slam champion sa knaiyang operasyon na isinagawa noon pang Pebrero.
Sinabi nito na kailangan muna ito ng karagdagang mabilisang arthroscopic procedure sa kaniyang tuhod para ito ay tuluyan ng 100% na makapaglaro.
Tiniyak nito sa kaniyang fans na magiging maganda na ang kaniyang pagbabalik sa 2021 season.
Noong 2016 kasi ay hindi ito kakagaling lamang niya sa parehas na injury sa tuhod at pagbalik ng 38-anyos na Swiss tennis star ay nanalo agad ito ng dalawang grand slams.
Magugunitang kinansela ang lahat ng mga tennis tournament dahil sa coronavirus pandemic at nakatakda itong ibabalik sa buwan ng Hulyo.
Bagamat sa hindi nito paglalaro ay napili pa rin ito ng Forbes na highest-paid athletes sa buong mundo na mayroong mahigit $106.3 million na kita sa isang taon at siya lamang ang tanging tennis player na nanguna sa Forbes lists.