-- Advertisements --

Nagdesisyon si Roger Federer na hindi na ipagpatuloy ang paglalaro nito sa French Open dahil sa injury.

Ayon sa 39-anyos na Swiss tennis star na isinagawa ang desisyon matapos ang pakikipagpulong sa buong team niya.

Isa sa dahilan ng kaniyang pagtigil sa laro ay dahil sa patuloy pa rin nitong iniinda ang dalawang beses nitong pagpapa-opera sa kaniyang tuhod.

Dagdag pa nito na kailanagan niyang alagaan ang kaniyang sarili.

Tiniyak naman nito na agad siyang babalik sa paglalaro kapag ito ay tuluyan ng gumaling.

Nasa ika-apat na round na ito sa French Open ng magdesisyon na itigil na ang paglalaro.