-- Advertisements --

Nagpasya si Swiss tennis star Roger Federer na huwag ng maglaro sa Tokyo Olympics.

Sa kaniyang social media inanunsiyo ng 39-anyos na tennis player ang hindi na pagsali sa Olympics dahil sa kaniyang injury sa tuhod.
Lumala kasi ang kaniyang injury sa katatapos lamang na Wimbledon.

Labis itong nadismaya at nanghihinayang dahil isang karangalan aniya at karagdagang exposure sa kaniyang career ang maglaro sa Olympics.

Hindi na nakapaglaro ito noong 2016 Rio Olympics sa Brazil dahil rin sa injury sa tuhod.

Magugunitang nakakuha ng gold medal si Federer sa doubles event noong 2008 Beijing Games at silver medal naman sa singles event sa 2012 London Games.

Una na ring umatras sa paglalaro sa Olympics sina Serena Williams, Rafael Nadal at Nick Kyrgios na magsisimula sa Hulyo 23.