-- Advertisements --
image 22

Inanunsiyo ng Embahada ng Estados Unidos sa Manila na magmamahal na ang US visa fees epektibo sa Hunyo 17.

Ayon kay Mark McGovern, Consul General ng US Embassy sa Manila, ang aplikasyon ng fee para sa visitor visas para sa temporary business o turismo at iba pang non-petition based non-immigrant visas gaya ng mga estudyante at exchange visitor visas ay magtataas mula $160 o P8,996 sa $185 o katumbas ng P10,402.

Paliwanag ng US embassy official na matagal ng hindi nagkaroon ng pagtaas sa visa fees simula pa noong 2011 kung saan huling nagkaroon ng adjustment.

Lahat din aniya ng fees na kanilang ipinapataw sa visas ay nakabase sa halaga ng service study.

Nilinaw din nito na ang pagtaas sa fess ay hindi lamang para sa Pilipinas dahil ipapatupad din ito ng mga US embassies sa ibang mga bansa.

Ang magandang balita aniya dito ay magtatagal na ang bisa nito ng hanggang 10 taon.