-- Advertisements --
Magandang balita para sa lahat ng kababaihan.
Bukas, araw ng Biyernes, magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT-3) sa lahat ng babaeng commuter bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day.
Magagamit ng female riders ang libreng sakay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.