-- Advertisements --

Target ng Philippine Fencing team na makuha ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games.

Ayon sa kanilang head coach Rolando Canlas Jr, na hindi bababa sa apat na gold medals ang kanilang target sa nasabing torneo.

Noong nakaraang 2005 ng dito ganapin sa bansa ang torneo ay naging overall champion ang Philippine team na mayroong limang gold medals, limang silver medals at mga bronze medals.

Nais nilang makakuha ng mga medalya ang kanilang 24 fencer.

Gaganapin ang fencing sa World Trade Center sa Pasay City mula December 3 hanggang 8.