-- Advertisements --
Magdudulot ng mga pag-ulan ang bagyong Ferdie habang ito ay dumaan sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa PAGASA, na ang nasabing bagyo ay siyang magpapalakas ng hanging Habagat sa maraming lugar sa bansa.
Base sa monitoring ng PAGASA, na gumagalaw patungong Northeast ng Extreme Northern Luzon ang bagyo na may bilis ng 35 kph.
May taglay na dala ang bagyo ng aabot sa 85 kph at pagbugso ng hanggang 105 kph.
Makakaranas ng malakas na pag-ulan ang mga bahagi ng Occidental Mindoro, northern Palawan, Aklan at Antique kasama rin ang bahagi ng Quezon, Bicol Region at natitirang bahagi ng MIMAROPA, Negros Island Region at nattitrang bahagi ng Western Visayas.
Inaasahan na tuluyang makakalabas sa PAR ang bagyong Ferdie sa umaga o hapon ng Sabado.