-- Advertisements --

Nagbitiw na sa pwesto ang presidente at chief executive officer (CEO) ng Manila Water na si Ferdinand dela Cruz.

Batay sa ulat, epektibo ang resignation ni Dela Cruz sa August 31.

Kasabay nito, papalitan ang opisyal ni dating Foreign Affairs Sec. Jose Rene Almendras na agad uupo sa September 1.

Bago pa naging gabinete ng adminsitrasyong Aquino, dati na ring pinamunuan ni Almendras ang Manila Water bilang presidente at CEO noong 2009.

Sa ilalim ng kanyang termino, naabot ng water distributor ang 100-percent na satisfaction rating mula sa mga consumer.

Kung maaalala, inulan ng kabi-kabilang batikos ang Manila Water matapos magkaroon ng water shortage kung saan libo-libong consumer sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan ang naperwisyo.