-- Advertisements --

Sinira ng Bureau of Customs (BoC) ang isang Ferrari sports na nagkakahalaga ng mahigit $250,000 o katumbas ng mahigit P12 million.

Ginawa ang pagwasak sa Port Area Manila, base na rin sa dati pang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban sa mamahaling sasakyan, isinunod din dito ang 12 units ng cigarette-making machine at mga pekeng sigarilyo.

Sinaksihan iyon ng mga opisyal ng BoC, media at iba pang observers.

Layunin umano ng pagsirang ito na mailahad sa publiko na hindi kinukonsinte ang pagpupuslit ng mga kontrabando sa kanilang tanggapan.