-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patuloy pa na inaalam ng mga otoridad ang identity ng ina na nagtapon ng fetus sa Barangay San Pedro Molo, Iloilo City.
Natagpuan ang fetus ng residente sa lugar at nakalagay plastic na nasa loob ng isang balde.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Punong barangay Carl John Lapascua , sinabi nito na nasa loob din ng plastic ang shorts at ang sanitary pad na ginamit ng in ng fetus.
Tinatayang nasa isa hanggang dalawang buwan ang edad ng fetus.
Naniniwala ang opisyal na ang nag-iwan ng fetus ay boarder sa lugar .
Binigyan na rin ng disenteng libing ng otoridad ang nasabing fetus.