-- Advertisements --
BAGUIO CITY-Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Baguio City Police Office (BCPO) para matuklasan kung sino ang nag-iwan sa isang fetus sa harapan ng isang simbahan sa Baguio City kaninang madaling araw.
Batay sa report ng BCPO, natagpuan ng mga concerned citizen ang nasabing fetus na nakalagay sa loob ng isang karton ng sapatos.
Ayon sa BCPO, ang fetus ay tinatayang tallo hanggang apat na buwan pa lamang.
Sa pagresponde ng mga pulis ay agad na dinala ang fetus sa isang punerarya sa lungsod para sa paglibing dito.