Hiniling ng grupong Federation of Free Workers (FFW) na maisama sa nakatakdang taas-sahod ang mga contractual workers sa gobyerno.
Apela ng grupo, nararapat lamang na balikan ni PBBM ang kasalukuyang government wage scheme at maglaan ng ‘substantial increase’ sa mga nasa lower rank, kasama ang mga contractual at job order worker.
Maalalang naging bahagi ng ikatlong SONA ni PBBM ang pangako nitong itaas ang sahod ng mga manggagawa sa pampublikong sektor.
Ang pagtaas ng sahod ng mga nagtatrabaho sa gobyerno ay epektibo na ngayong taon kung saan magiging retroactive ito mula noong Enero 2024.
Ayon naman kay Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, nakahanda na ang pondo para sa naturang programa kasama ang pondo sa susunod na taon.
Ang naturang taas-sahod ay ibibigay sa empleyado sa pamamagitan ng apat na tranche.