-- Advertisements --
Nagsilang na ng isang sanggol na lalaki ang fiancée ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson na si Carrie Symonds.
Ipinanganak ito sa London hospital kung saan naging malusog ang mag-ina.
Pinasalamatan naman ni Johnson ang mga staff ng pagamutan na nag-alaga sa kaniyang asawa.
Binati naman ng ilang mga opisyal ng UK ang dalawa na pinangunahan ni Chancellor Rishi Sunak at Speaker of the House Lindsay Hoyle.