Tuluyan kinansela ng FIBA ang 3×3 Olympic qualification tournament.
Nakatakda sana itong gawin sa darating na March 18-22 sa Begaluru, India.
Ayon pa sa FIBA, nakikipag-ugnayan na sila sa International Olympic Committee, para sa magandang solusyon.
Kailangan aniya itong gawin bago ang FIBA 3×3 Universality Olympic Qualifier Tournament sa Abril 24-26 sa Budapest, Hungary.
Nasa Group C ang mga Pilipinas kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.
Binubuo naman ng national team sina Joshua Munzon, Alvin Pasalo, Mo Tautaa at CJ Perez.
Bukod sa Olympic Qualifying Tournament ay nailipat din ang FIBA 3×3 Asia Cup na dati mula sa Mayo 13-17 sa Setyembre 9-13.
Habang iniurong naman sa Oktubre 8-11 ang FIBA 3×3 Under 17 Asia Cup sa Cyberjaya, Malaysia.
Kinansela naman ang FIBA Asia Under 16-championship na naka-schedule sa Abril 5-12 sa Beirut, Lebanon ganun din ang FIBA Womens’ Asian Under-16 Championship sa darating na Abril 5-10.