-- Advertisements --
Gagawing bubble-type format na lamang ang dalawang FIBA Asia Cup qualifiers dahil sa COVID-19 pandemic.
Nakatakda kasing gawin ito sa Nobyembre at Pebrero 2021.
Nakipag-ugnayan na rin ang FIBA sa mga host public health authorities para maipatupad ang mga protocols gaya ng pagsasailalim sa PCR testing ng mga lalahok.
Bawat bubble ay binubuo ng apat at walong koponan.
Nasa Group A ang Pilipinas kung saan kasama nito ang South Korea, Thailand at Indonesia.
Tiniyak din ng FIBA na patuloy nilang babantayan ang COVID-19 situation kada araw.
Magugunitang tinalo ng Pilipinas ang Indonesia 100-70 sa first window ng qualifiers noong Pebrero bago tuluyang ma-kansela ang mga laro.