Nagdesisyon ngayona ng FIBA na ipagpaliban muna ang FIBA Asia Cup na nakatakda sanang gawin sa susunod na buwan sa Jakarta, Indonesia.
Ang Asia Cup ay isasagawa na sana sa August 16 hanggang 28, 2021.
Ang pinakamalaking torneyo sa rehiyon ay gagawin na lamang sa Hulyo ng susunod na taon pero doon pa rin sa Jakarta bilang host.
Ang hakbang ng organizers ay kasunod nang ginanap na pagpupulong ng FIBA Asia Board sa Lebanon bunsod na rin ng pangamba sa pananalasa ng COVID-19 sa Indonesian capital.
“This evaluation has taken into consideration multiple aspects such as current travel restrictions, the well-being of the participants, fan access and experience, and the objective of ensuring the highest quality of events,” bahagi ng sulat ni FIBA Executive Director-Asia Hagop Khajirian sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.