-- Advertisements --

Binago ng FIBA ang ilang petsa ng kanilang mga major tournaments matapos ang tuluyang pagpaliban ng Tokyo Olympics sa 2021.

Itinakda na mula Hunyo 22 hanggang Hulyo 4 sa susunod na taon ang FIBA Olympic qualifying tournament habang ang FIBA EuroBasket 2021 at FIBA AmeriCup 2021 ay gaganapin sa Setyembre 1 at Setyembre 18, 2022.

Iniurong ng dalawang linggo ang FIBA Asia Cup na ito ay gaganapin sa Agosto 17-29.

Ayon sa FIBA na ang paglilipat ay para hindi maging kumplikado sa petsa ng Tokyo 2021.