BACOLOD CITY – Mananatiling humble ngunit gutom sa mga susunod pang laban ang Philippine E-Sports basketball team matapos ang historic win sa FIBA Esports Open laban sa Indonesia nitong Linggo ng gabi.
Ayon kay Richard Brojan, team manager ng E-Gilas, hindi aniya naging madali ang mga pinagdaanan ng grupo ngunit lagi silang may pag-asa.
Sa naging panayam ng Star FM Bacolod sa E-Gilas, inamin nilang una na silang nagulat na sila ang napiling kumatawan sa Pilipinas at ngayon naman ay proud silang na-achieve ang 5-0 sweep na goal kung saan naibigay nila ang dominating win para sa bansa.
“Ito pong pagre-represent sa bansa ay sobrang nagulat kami at sobrang honored and proud kami para sa mga nangyayaring ito,” wika ni E-Gilas coach Nite Alparas
Magugunitang si Custer Galas ang tinanghal ni Most Valuable Player (MVP) na nakakuha ng walong puntos pts, dalawang rebounds at limang assists.
Ang E-Sports team ng Pilipinas ay nanalo sa score na 71-35 laban sa team Indonesia sa Game 5.