-- Advertisements --

Inanunsiyo ng FIBA ang kanilang schedule sa 2023 FIBA World Cup.

Gaganapin ang nasabing torneo mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023.

Isinagawa ang nasabing anunsiyio kahit na may mga pag-aalangan sa pagpapatuloy na ng laro dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Magsisimula naman sa Nobyembre 2021 hanggang Pebrero 2023 ang six windows ng World Cup qualifiers.

Magiging host dito ang Pilipinas, Indonesia at Japan kung saan ito ang unang pagkakataon na ang torneo ay hahawakan ng tatlong bansa.

Ang group phase ay gaganapin sa tatlong bansa habang ang final phase ay gagawin naman sa Manila.