-- Advertisements --
Gilas

Sisikapin ng Philippine men’s basketball team na gulatin ang Thailand na kanilang makakatunggali sa pagsisimula ng second window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers mamayang gabi.

Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico, sasandalan ng koponan ang kanilang liksi para mabalewala ang koponan ng Thailand na mas lamang sa karanasan sa international game.

Maliban kasi sa kapos ang paghahanda ng Gilas players, karamihan din sa mga manlalaro ay naging inactive dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa panig naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, magiging bentahe rin ng mga Pinoy ang pagiging bata ng mga manlalaro.

Inaasahang mamumuno sa Gilas ang mga collegiate starts na sina Isaac Go, Matt Nieto, Mike Nieto, Rey Suerte, at Allyn Bulanadi.

Mamayang alas-9:00 ng gabi magsisimula ang laban ng Pilipinas at Thailand sa Manama, Bahrain.