Naglabas ng rekomendasyon ang basketball governing body na FIBA para sa mga bansang nais na ituloy ang mga basketball games ngayong panahon ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ang nasabing rekomendasyon ay naaayon na rin sa pakikipagtulungan nila sa World Health Organization.
Ginawa ni FIBA Medical Commission chairman Dr. Peter Harcourt ng Australia ang anunsiyo matapos kumunsulta sa FIBA COVID-19 Medical Advisory Group (MAG) at FIBA Medical and Players Commissions.
Sinabi nito na pangunahing binabantayan ng FIBA ang mga kalusugan ng mga manlalaro at ang commission.
Ilan sa mga nakasaad ay ang “phased approach” para masimulan ang mga laro kung saan dapat ang mga national federations ay sundin ang mga guidance at ang lifting restrictions ng kanilang mga gobyerno at mga public health authorities.
Kasama sa 13-page documents ang pagbabawal sa pagyakap, pakikipagkamay, high fives, mga fan engagement at unnecessary contact sa mga kalabang koponan, referees at mga match officials.
Ayon naman kay FIBA secretary general Andreas Zagklis, ang nasabing mga guidelines ay may malaking tulong sa basketball community para sila ay makabalik na sa mga laro.