Minultahan ng FIBA ang China , South Korea at Chinese Taipei.
Ito ay dahil sa hindi nila pagsali sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers noong Nobyembre.
Ayon sa FIBA na mayroong kabuuang P8.6 million ang kabuuang halaga na ipapataw na multa bukod pa sa disciplinary actions.
Kabilang dito ang two-point deduction para sa bawat koponan sa kanilang 2021 FIBA Cup qualifiers.
Nasa Group A ang South Korea kasama ang Pilipinas, Indonesia at Japan kung saan hawak ng Pilipinas ang kalamangan na mayroong 6 points matapos na maipanalo ang lahat ng kanilang mga laro.
Habang nasa Group B ang China at Chinese Taipe.
Mayroong 1-1 record ang Chinese Taipei habang hindi pa nakakapaglaro ang China sa qualifiers.
Magugunitang mas piniling hindi maglaro ang nasabing mga bansa sa ikalawang window ng FIBA qualifiers noong Nobyembre dahil sa banta ng COVID-19.