-- Advertisements --

Pinuri ni FIBA secretary general Andreas Zagklis ang isa sa mga lugar kung saan gaganapin ang basketball game ng Los Angeles Olympics sa 2028.

Isa sa mga tinungo nito ang home court ng Los Angeles Clippers.

Sinabi nito na bagamat pinapaganda pa ito ay natitiyak niya na magiging kasabik-sabik sa mga basketball fans ang nasabing mga laro na doon gaganapin.

Dagdag pa nito na ang nasabing desensyo ay talagang ikakatuwa ng mga basketball fans.

Naniniwala si Zagklis na magiging matagumpay ang Los Angeles sa paghawak ng Olympics sa darating na 2028.