Inanunsyo ng FIBA na pansamantala nitong ititigil ang FIBA 3×3 Individual World, Team at Federation Rankings.
Ang FIBA 3×3 Rankings ay batay sa siyam na best performance ng mga player sa nakalipas na 12 buwan kung saan ang Abril ang karaniwang buwan ng pagsisimula ng professional 3×3 season.
Ngunit noong Marso 13 nang suspindihin ang mga kompetisyon sa FIBA bunsod na rin ng coronavirus pandemic.
Ayon sa FIBA, mananatiling nakahinto ang rankings hangga’t hindi binabawi ng basketball body ang suspensyon ng mga laro o hangga’t wala silang ibinibigay na petsa.
“Ranking points will still be awarded for events taking place during this period but will only count towards the rankings – for the usual 12-month period – when rankings are unfrozen. The lifespan of the ranking points awarded for events that took place prior to the freeze will be extended by the duration of the freeze. However, this extension shall not exceed the date of October 1, 2021,” saad ng FIBA.