Pinayuhan ng FIBA ang Indonesia na kailangan nilang makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup.
Ito ay dahil isa ang nasabing bansa na magiging host 2023 FIBA World Cup kasama ang Japan at Pilipinas.
Ayon sa FIBA Executive Committee, dapat makapasok sa top eight ang Indonesia sa 2021 FIBA Asia Cup para sa makapasok sa quadrennial meet.
Kapag nakapasok sa top 8 ang Indonesia sa FIBA Asia Cup 2021 ay mababawasan ng isa ang FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.
Sakaling mabigo naman ang Indonesia sa top eight, magpapatupad ang FIBA ng general rules para sa qualification sa FIBA World Cup 2023.
Noong Pebrero sana ang 2021 FIBA Asia Cup subalit ito ay sinuspendi dahil sa coronavirus pandemic.
Kapwa kasi nakakuha na ng direct qualification ang Japan at Pilipinas na naglaro noong 2019 FIBA World Cup.
Magiging host ang Pilipinas sa final phase ng 2023 FIBA World Cup habang ang mga laro mula sa group phase ay gaganapin sa Japan at Indonesia.