Hindi pa rin inaalis ng FIBA ang posibilidad sa mga pagbabago sa schedule sa nakatakdang pagpapatuloy ng prestihiyosong FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers dito sa Pilipinas.
Ayon sa FIBA naka-monitor sila ng husto sa COVID-19 situation at agarang maglalabas ng mga kaukulang pagbabago sa kompetisyon kung kinakailangan.
Una rito, inilabas na ng FIBA ang mga schedule ng games kasama na ang Gilas Pilipinas para sa darating na buwan ng Hunyo.
Tatlong grupo ng mga bansa ang lalaruin sa Clark City sa Pampanga gayundin ang mga games sa Amman, Jordan.
Ang qualifiers ay unang itinakda noong buwan ng Pebrero sa Pilipinas pero ipinagpaliban dahil sa paghihigpit ng bansa laban sa coronavirus cases.
Tiniyak naman ng FIBA na mahalagang maproteksiyunan ang mga players lalo na ang kanilang mga kalusugan.
Kung maalala, isang panalo na lamang ang kailangan ang Pilipinas laban sa Indonesia at Korea para umusad sa mas malaking torneyo.
“Organized in protected environment tournaments in order to ensure the health and safety of all participants, these games will determine the ten teams that will join Bahrain and Lebanon, already qualified for the event,” bahagi ng statement ng FIBA.