-- Advertisements --
image 214

Pinuri ni FIBA World Cup Ambassador Pau Gasol ang Team USA sa maganda nitong performance simula nag-umpisa ang kanilang kampanya sa FIBA 2023.

Sa pagdating nito sa Pilipinas, sinabi ng NBA Champion at dating Team Spain Big man na sa kabuuan ng kanilang kampanya ay naipakita ng team USA ang kanilang versatility.

Napanood umano ni Gasol ang paraan ng paglalaro, kasama na ang practice ng buong koponan, at naniniwala siyang malaki ang potensyal ng grupo ngayong FIBA 2023.

Pinuri rin ng FIBA Ambassador ang magandang coaching culture ng Team USA na aniya’y isa sa mga dahilan kung bakit tuloy-tuloy ang magandang performance ng buong team.

Nagtungo sa Pilipinas ang Spanish Legend upang saksihan ang FIBA at manguna sa promosyon sa mga laro sa ilalim nito.

Kasama ni Gasol ang Argentinian Legend na si Luis Scola na kapwa ambassador ng FIBA.